Monday, December 24, 2012

Maging Isang Maykatha


"The impulse to keep to yourself what you have learned is not only shameful, it is destructive. Anything you do not give freely and abundantly becomes lost to you. You open your safe and find ashes."
- Annie Dillard
The Writing Life


Walang masama sa pagiging isang mambabasa. Ngunit kung hanggang doon ka nalang, parang ang kulang naman ata?

Oo, sinisipsip mo nga ang mga idea na binabasa mo galing sa boses at opinyon ng ibang tao, subalit gugustuhin mo bang hanggang doon ka nalang? Sa pagsisipsip at pangongolekta ng mga idea? 

Isipin mo ito, saan ang sa tingin mo mas malaman mag-pahayag ng chismis? (1) Yung certified hardcore chismosa, o (2) yun talagang pinanggagalingan ng mismong pangyayari sa chismis? Kung pinili mo yung pangalawa, siguro mas komportable kang makinig sa mga nakasulat na salita sa mga pahayagan. Kung pinili mo yung nauna, e siguro alam mo na kung saan patungo ang mga sinasabi ko. 

Ang chismosa kasi, para siyang taong mahilig mag-basa ng mga libro. Binabasa nya at ina-absorb lahat ng sinasabi ng bawat may katha. Pwede siyang sumangayon o sumalungat, ngunit ang dulo dito e siya ang mas maraming back story.

Harayain mo nga, pag ang chismosang yan, natutong magsulat, inilipat ang lahat ng ideyang kanyang nakalap sa bawat librong binasa at hinalo sa kanyang sariling opinyon, et voila, naging isang manunulat.

Siguro ang tunay na kinatatakutan ng lahat ng tao ay hindi ang kamatayan. Kundi ang paglimot. Pagkatakot na ang isang tulad nya na minsang gumala at nagkalat sa mundong ibabaw e maibabaon nalang sa limot. Dahil rin siguro hindi na kailangan mamatay ang isang tao upang magkaroon siya ng gate pass into oblivion. 

Kung naging mambabasa ka lang, sa tingin ko e masla-laki ang tsansa mong manalo ng jackpot prize ng tiket to oblivion. Subalit kung nag-iwan ka ng basura (kahit mangamoy man ito o hindi) at ipapahid mo ito sa isang papel gamit ang nag-tataeng tinta -- nag-iwan ka parin ng palatandaan sa mundo kung gaano ka kagaling maging isang magkakalat.

Ang gusto ko lang iparating e, wag ka lang makontentong maging isang mambabasa. Maihahanlintulad mo ang sarili mo sa isang leecher ng website-pandownload ng mga ripped movies. Wag mong sipsipin at itago at angkinin at ibaon sa limot lahat ng ideya mo at idea ng ibang tao diyan sa utak mo na di kalaunan at aagnasin din pagdating ng panahon. Bumuo ka rin ng sarili mong obra! Magsulat ka. Iparinig mo ang iyong boses sa pamamagitan ng binabasang salita. Mag-iwan ka ng basura kagaya ng mga awtor na kinagigiliwan mong libro. Total, kung self-proclaimed magbabasa ka (at magaling ka sa larangang iyan), isa ka ring certified hardcore chismosa.

You Can Never Outgrow God

  Do you think you can outgrow your God? Do you think because your situation now in life is different, feels much harder than those you face...