Saturday, December 31, 2011

Dear Lord,

Lord God, alam nyo naman po na mateknolohiya na ang panahon ngayon. Kaya idadaan ko po dito ang dasal ko. Lord, hindi naman po naiba ang thought nito at ang sinseridad na nasa puso ko kumpara ng mag dadasal ako sa simbahan, o sa kahit anong oras ng araw ko. Idadaan ko lang po dito yung panalangin ko sa Inyo kasi po tingin ko mas ma-eexpress ko pa po yung gusto kong sabihin sa Inyo.

Salamat po sa lahat ng biyayang pinagkaloob nyo sa akin, sa pamilya ko, at sa mga mahal ko sa buhay ngayong 2011. Sa totoo lang po, kahit medyo gipit na gipit kami sa pang material na kayamanan gaya ng pera, eh hindi naman po kayo nagkulang na biyayaan kami ng mga bagay na kelan man ay hindi ma-tutumbasan ng salapi. Gaya na lamang po ng aming kalusugan, lalong lalo na sa mga lolo at lola ko. Salamat at walang sakit ang dumatnan sa amin ngayong taon na ito. Special mention ko lang po si Lolo Gabriel ko. Lord, alam kong masaya na siya sa piling Nyo ngayon. Lolo Gabriel, alam ko na madadama mo itong message ko: Mahal po kita. Kahit paminsan2x lang akong bumibisita sa Fairview, mahal po kita. Tinatawagan ko po kayo dati ni Lola Carmen twing Christmas o New Year, naalala nyo pa po ba? Hindi ko na magagawa ngayon yan Lolo. Bukod sa wala ka na, eh wala na rin kaming telephone sa bahay. Pero Lolo, hindi na ako mababahala pa kasi alam kong kasama mo na ang Poong Maykapal. Na binigyan ka na nya ng Eternal Rest. At balang araw, magkikita tayo kasama si Lord. Yayakapin po kita, gaya ng pagyakap ko sa iyo tatlong araw bago kayo pumanaw. Naiiyak ako Lolo, kasi may mga pagkukulang din ako sa inyo. Pero mahal na mahal kita Lo, alam mo yan. At masaya ako na nakapagpahinga kana sa mundong ito.

Lord God, pasensya na at na ano pa yung topic. Hmmm, Lord, paulit ulit ko nalang tong sinasabi ang pagpapasalamat ko sa inyo. Eh kasi andami talaga ng biyaya. At salamat kasi nakikita ko yon, napagpahalagahan. Yun siguro yung importante. Yung Pagpapahalaga. Ipinagdarasal ko din po ang mga puso ng mga taong kulang sa pagpapahalaga. Sana makita nila ang Iyong pagmamahal sa araw araw na walang palya at hindi tumbas ng karangyaan sa buhay o kung ano mang pagpapala.

Lord God, tungkol naman po sa pag-aaral ko, unang una, nagpapasalamat po ako dahil sa simula't sapul, binigyan nyo po ako ng oportunidad na mahalin yung kursong Nursing kaya't naging madali nalang halos lahat ng leksyon sa akin. But despite of this, help me to be humble and not boast but not to the point that I won't honor any credits I have earned because of Your help and guidance. It has been almost 2 years sa College, at since day 1, alam kong hindi Nyo po ako pinabayaan. Hinihingi ko po na sana ipagpatuloy nyo po ang pag gguide sa hindi lang hanggang ma realize ko po yung dreams ko to be a nurse, pero hanggang po sa huling hininga ko believing in Your grace that have saved me ever since. Sa pang-araw araw ko po na buhay eskwela, inaamin kong hindi ko kaya lahat ng ito kung wala ang Inyong tulong. Nagkukulang po ako, at kelangan ko ang Inyong Divine Intervention upang tugunan ang pag kukulang ko. At higit sa lahat, ipinagdarasal ko po na sana, kahit anong mangyari, kahit magka-graduate ko po o makakita na ako ng trabaho, kahit saan ako mapunta sa mundong ito, SANA PO, hindi ko po makakalimutan ang True Essence of being a Nurse. Of being an angel to the sick through Your Grace. Alam kong madulas ang daan, at nakakasilaw ang pangmundong karangyaan, pero LORD, Strengthen my faith and devotion to the Nursing Advocacy. Na hindi ko po i-eequate yung pagiging nurse sa pera at greener pastures, kundi, ang pagtulong sa mga higit na nangangailangan through your Will and Grace.

Lord God, marami rin akong nagawang kasalanan sa taong ito at sa mga nakaraang taon. Sa kayrami nila eh puro temptation lang lahat nauugat. Temptation. Lord, ang dali dali ko lang ma-tukso. Kahit anong isipin ko, na tutukso agad ako. Ang dali ko lang magpadala sa galit, kaya kung ano ano na ang naiisip ko. Ano po ba yung kelangan ko Lord? Discipline po ba? or mas greater pa dun? Lord, sa twing nalalayo ka po sa akin, pa-alalahanin nyo po ako kung ano ang tama at ano ang mali. Help me to be still. Or not to be still.Kung takbuhan yung tukso, umusog ng ilang steps at para hindi na makakita ng opportunity na ma tempt ako ulit. Yan po yung challenge ko this year. Makakayanan ko, in your Name, I can resist temptation!

Marami pa akong idadasal Lord God, marami pa akong ikkwento, nakikinig ka po palagi alam ko yan. Salamat po sa pakikinig. I also pray for the people whose faith is wavering, na isang thread nalang ang nag cconnect. I pray for them Lord. Whoever they are. For it is of great sadness to think of little or no faith. I also pray for the depressed, oppressed, and homeless. That they may find solace in just a simple thought of You.

I love You Lord. Let me feel Your Presence everyday. Never let me be separated from You, my God :-)

No comments:

Post a Comment

You Can Never Outgrow God

  Do you think you can outgrow your God? Do you think because your situation now in life is different, feels much harder than those you face...